Maria Lourdes
ariagonzales

Dumiretso ako pag-uwi papunta kila Pinsan, kaso sa daanan nakita ko ‘to. Kung titingnan mabuti yung larawan, o kung i-zoom na lang, makikita ang isang matandang nasa Wheelchair na hirap na. Pag daan ko sa bahaging yan, sumikip yung dibdib ko. Nakakaawa talaga. Hindi naman niya ako napansin, pero alam ko yung pakiramdam na kinaawaan na ayaw ko rin.

Nakatitig lang siya sa bintana, kung saan may mga tao o sasakyang nagsisidaan habang tumutugtog yung isang Slow Rock na Love Song. Ang dami kong naisip nung makita ko siya: Wala bang nag-aalaga sa kanya? Magiging ganyan kaya pakiramdam ng magulang ko pagtanda nila, ang mag-isa? Magiging ganyan kaya ako sa magulang ko? O ako kaya ang magiging ganyan pag tumanda na ako?

Masaya ang buhay, oo. Kaya nga dapat at nilalasap ko talaga ito, na ngayon ay may pagsisikap na. Pagsisikap para tumayo, at umunlad kahit para sa sarili lang na kaya ring makapagpaunlad sa iba. Pero yung mga ganitong tagpo, ganito talaga yung nakakapanghina sa akin. Yung mga pakiramdam na maaaring mawalang silbi yung buhay mo, mas mahirap yung ganyang pakiramdam sa panahong puno ka na ng pagsisikap.

Masaya naman talaga ang flow ng buhay, basta ba inaayos mo. Nasa sa iyo rin kasi yan eh, kung pababayaan mo o pauunlarin mo. Dalawa lang yan, now or never baga. Maging realistiko ka rin kasi paminsan-minsan, walang Forever Young.

Lahat tayo tatanda, pero gumawa ka ng paraan para magiging worth it yun. Gumawa ka rin ng paraan para madeserve mo yung mga nasa paligid mo, vice versa. Hayaan mo lang at patuloy na hilingin sa kanila, o kahit sumbatan mo na rin sila paminsan-minsan, para magawa mo pa yung mga gusto mo sa buhay. Kasi bilang na ang oras mo, at magandang hindi nilang panghinayangan yung pagkawala mo, dahil nagsilbi sila sa iyo. Ang matandang mag-isa sa kwarto.

Pinipili ba ang Nagugustuhan?

Nagkaroon ng convo ang dalawa babaeng napakalalakas ng boses na nakasabay ko sa jeep. Mukhang high-school students rin naman. 

C1: Crush mo si ano ‘no?
C2: hindi ah! *blushes*
C1: Bakit dahil varsity?

Malakas naman ang naging usapan nila, so hindi na yun counted as eavesdrop. lol. Pero nung nasabi nila iyon, na-curious pa rin naman ako. Pinipili ba talaga ang taong nagugustuhan? Hati siguro sa desisyon. Kasi yung iba, andaming requirements! Tipong, Kailangan boses palaka, kailangan mas matangkad ako, kailangan mas mataas ang IQ kay Einstein. Lalong nagpacurious sa akin.

Tingin ko, hindi yan pinipili eh. Feeling ko kasi, mayroon pa ring something na pagtibok ng puso kaysa sa attraction na mayroon ka para sa isang tao. O cliche pa ako? Pwede namang wala, pwede ring ibase rin sa ugali, pero kung titingin ka sa mukha, pasado na ba agad?

Naguguluhan pa ba ako o sadyang epal lang ako, dahil binubuhay ko ang “Looks doesn’t matter”? Sabi nga ni Kris Aquino sa KrisTV ng minsang manood ako ng interview nila Mika Reyes, “Looks shouldn’t matter but it does”. Siguro di nga maiwasan, dahil baka may mamilosopo pa at itanong kung anong silbi ng mata kung hindi gagamitin.

Pero payo lang, hindi mukha kundi pagmamahal ang matitira sa dalawang pusong sabay tatanda. Kailangan lang talaga, subok ka.